Alin ba’ng totoo?: May babae si Raymart Santiago o may lalaki si Claudine Barretto?

NAGKASUNUD-SUNOD ang mga couples na nagkahiwalay ngayong mga panahong ‘to.

Nagkaproblema sina KC Concepcion at Piolo Pascual, magulo rin sina Shaina at John  Lloyd.

Pero pinakamasama itong diumano’y paghihiwalay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Na-televise pa si Claudine na nagmumura’t umiyak dahil naunahan siya ni Raymart sa pag-withdraw ng anila’y limang milyong piso sa joint account nila.

Obviously, may kinks sa paghihiwalay nila, otherwise, hindi sana ganito kagulo.

Dati nang may tsismis na hiwalay na’ng dalawa, pero sa ngayon, di na nila mapagtakpan ang problema.

May bintang na nambababae raw si Raymart pero mga mismong friends nila ang nagsasabing di raw ito true. Si Claudine naman ay noon pa-linked sa ibang lalaki, na pinasama nga ng tsismis na si Senator Jinggoy Estrada raw ang dahilan. But unless and until, they confirm this, this will remain speculative.

Ang tiyak lang, talagang may malaking problema dahil nga lawyer to lawyer ang nagaganap na communication kina Claudine at Raymart.

May isyu pang matagal nagtiis si Raymart sa mga mood swings ni Claudine, pero this time, puno na siya. Ayaw na raw ni Raymart na siya lang lagi ang nagtatakip ng problema.

Kung hanggang saan ang problemang ito, wala pang nakaaalam, but most of their friends wish them well, na sana, magkabalikan muli ang mag-asawang ito.

***

Dumating na ang panahon ni Gerald Santos!

KAHIT na share sina Gerald Santos at Piolo Pascual sa Male Pop Singer of the 3rd Star Awards For Television, it is obvious na higit ang impact ng award sa buhay ni Gerald Santos.

“Salamat naman at sa wakas, na-recognize rin siya,” narinig naming pasasalamat ni Doc Rommel na siya niyang manager. Matagal nang hinihintay ni Gerald ang ganitong klase ng accolade.

Kunsabagay, agree ang corner na ito na na talaga namang underrated si Gerald. With his melodic singing voice, it is really high time na mabigyang parangal naman ang batang ito.

Sana, hindi pa ito ang huling award niya, dahil at the  moment, Gerald and Doc Rommel leave no stone unturned hangga’t di nakararating sa kanyang peak ang magaling na balladeer.

Maraming tao ang naniniwala sa kanyang kakayahan, na sana mabigyan din siya ng recognition ng industrya.

We have a copy of “Pinakahintay” at lahat talaga ng nilalamang cuts nito ay pang-award talaga ang quality.

Get a copy and prove for yourselves!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply