‘All-out-justice’ hindi giyera vs MILF – PNoy

BINIRA ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga nanawagan ng “all-out-war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabila ng nangyaring pagmasaker sa mga sundalo sa Basilan nitong mga nakaraang araw.

Ani PNoy, sa halip na all-out war, mainam aniya na ipursige ang all-out-justice para mabigyan ng katarungan ang mga sundalong namatay sa bakbakan sa nasabing lalawigan.

Dapat din aniyang maparusahan ang mga taong sangkot talaga sa krimen at hindi madamay ang ibang wala namang kinalaman.

Nanindigan din si PNoy na hindi niya sususpendehin ang peace talk process pero nangakong sa susunod na linggo ay isa-isa nang mananagot ang may kagagawan sa krimen.

Umaabot na sa mahigit 40 sundalo, kabilang ang ilang nadamay na sibilyan ang namamatay sa ilang araw na sunod-sunod na pag-atake ng MILF nitong nakaraang Linggo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply