All-out of the office ang mga justice

ANG hirap sa ating pamahalaan, kasama na ang mga senador, ay masyado silang mahabagin sa kanilang kauri at malupit sa mga mahihirap na sangkot sa krimen.

Kung mayaman ka o kaya ay mayroon kang katungkulan, past or present, simpleng sakit lang, totoo man o hindi, ay sapat na upang makatakas ka sa husgado o sa Kongreso.

Noong ipa-deport ng America si Jocjoc Bolante, isinugod na agad siya from the airport direct to St. Luke’s hospital dahil sa high blood.

Subalit nang bumalik si Jun Lozada galing Hong Kong, agad siyang na-hostage ng mga taga-gobyerno noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo at pinaikot-ikot sa South Expressway papunta kung saan huling nakita si Bubby Dacer.

Si Iggy Arroyo na pinaghihinalaang nang-fake ng pirma ng bank account na sinasabing pag-aari ng brother niyang si FG na siyang nang fake daw ng lease agreement para sa second hand na dalawang helikopter ay hindi maaaring mag-attend ng Senate hearing dahil may sakit sa London.

Ganoon din si ex-First Gentleman Mike Arroyo na laging kailangang magpagamot sa ibang bansa o sa favorite nilang St. Luke’s Hospital tuwing may Senate hearing.

Si Mrs. Gloria naman ay hindi rin daw puwedeng ma-investigate ng Department of Justice dahil siya ay may sakit at kailangang pumunta sa Germany na kung saan sinasabi ni Senador Allan Cayetano ay may bank account si FG.

Paano naman ang mga mahihirap na akusado?  Sa kulungan ang tuloy nila at hindi sila puwedeng dalhin sa St. Luke’s.

Siguro, kailangan ding maimbestigahan ang St. Luke’s upang malaman kung walang sabwatang nangyayari sa kanila.

Kay raming preso na namatay na sa Bilibid o sa mga city jail dahil hindi sila mapadala sa St. Luke’s, o sa kung saan mang pagamutan.

Nasaan ang hustisya?

Ngayon, sinasabi ni PNoy na all-out justice siya.

All-out of their offices siguro ang mga justice natin, kasama na ang mga judge at fixcal, kaya hindi maparusahan ang mga may sala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply