‘All out war’ vs MILF nais ni Lacson

TAHASANG sinabi ni senador Panfilo Lacson na panahon na para gayahin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino si dating Pangulong Joseph Estrada kaugnay sa pagdedeklara ng “all out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Binigyang diin ni Lacson, chairman ng Senate committee on national defense, na hangga’t walang “tactical victory” na ginagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao.

“The belligerence of the MILF is something that we deserve because we continue to give them that status,” diin ng senador.

Ani Lacson, bigyang-laya ang mga sundalo na labanan ang MILF sa patas na pamamaraan at hindi nakatago sa kasunduan o sa “peace talks.”

“It is time to untie the hands of our soldiers and authorize them to fight the MILF on equal terms and not handicapped by the so-called peace talks characterized by treachery and deceit,” giit ni Lacson.

Ani Lacson, territorial integrity ang nakasalalay kaya’t marapat lamang na kumilos ang mga sundalo.

“It is difficult for our soldiers to understand why they should not be allowed to patrol or conduct military exercises in any part of their area of jurisdiction,” diin ni Lacson.

Iginiit ng senador, isa lamang ang AFP sa ilalim ng iisang Commander-in-Chief at sinumang armed group na hindi kabilang sa AFP at Philippine National Police ay kinokonsiderang kalaban ng bansa alinsunod na rin sa itinatakda ng Saligang Batas. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply