All-out-war kontra MILF ibinasura ni PNoy

AGAD na ibinasura ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukalang ‘all-out’-war’ laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito’y kasunod ng nangyaring engkuwentro sa Basilan kung saan 19 sundalo ang napatay at marami pa ang nasugatan.

Sinabi ng PNoy na bagama’t nakikiramay siya sa naulila ng casualties, hindi naman tamang gagawa ito ng ‘knee-jerk reaction’ tulad ng all-out-war.

Ayon sa Pangulo, mas mabuting imbestigahan muna kung sino ang nagkamali at umabuso sa pangyayari.

“Are we advocating let’s go on an all-out-war? And that would redound to an improvement of the situation? There is a saying, one rotten egg is not enough for us to generalize that all the other eggs in the basket are rotten,” ani Presidente. “It is best for us to investigate first – who committed lapses and who committed abuses. If we jump to a conclusion now without the facts, that would be very irresponsible. If you were a teenager, you could do that, but I have ceased to be a teenager a long time ago.”

Inamin din ng Pangulo na bilang commander-in-chief ay dismayado siya sa nangyari kaya naman bilang panimula ay sinibak na ang commander ng Army sa Basilan.

SUSPENDIHIN ANG PEACETALKS

SUSPENDIHIN ang peacetalks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang apela ni Senator Francis Pangilinan kung makapagbibigay ang MILF ng katanggap-tanggap na paliwanag sa sagupaan sa Basilan noong Martes sa bayan ng Al-Barka, Basilan kung saan 19 na sundalo ang namamatay at 14 ang sugatan.

Iginiit ni Pangilinan na repasuhin ng pamahalaan ang itinatakbo ng peacetalks dahil hindi maaaring ang MILF ang nagdidikta sa mga proseso ng negosasyon.

Binigyan-diin pa ni Pangilinan na kailangan nang ugatin ng gobyerno ang gulo sa Mindanao upang maging makahulugan ang pagkamatay ng 19 na sundalo.

PULBUSIN ANG MILF

Ito naman ang tinuran ni House defense committee chairman Rodolfo Biazon sa pamahalaan matapos ang sagupaan noong Martes sa Basilan na ikinamatay ng 19 na sundalo ng pamahalaan.

Kaysa makipag-usap sa mga rebelde, dapat umanong pulbusin na ng pamahalaan ang mga rebeldeng MILF at imbestigahan kung may kinalaman sa aksidente ang Abu Sayyaf.

Si Biazon ay dating hepe ng Department of National Defense.

Hindi umano “isolated case ang nasabing pangyayari, ayon kay Biazon. Sa bilang ng patay sa mga sundalo na 19 na, ito ay hindi isolated, ayon sa dating heneral. Pinasinungalingan niya ang pahayag ng negosyador ng pamahalaan na si Marvic Leonen, nagsabing “isolated incident” ang pangyayari at huminto na ang putukan at mapayapa na ang dalawang grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply