All-out war sa Mindanao ibinasura ng Muslim solons

SINUPORTAHAN ng mga kongresistang Muslim ang panuntunan ng administrasyong Aquino na huwag maglunsad ng all-out war sa Mindanao.

Sa isang press conference, limang kongresistang Muslim ang umapela sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko na ang mga suspek sa pagpaslang sa may 19 na sundalo kung ang mga ito ay nasa kanilang panganganlong.

“We must reject these calls and remain vigilant against anyone or any group wjho would take advantage of the situation to sow more fear and disorder.”

Kabilang sa sumuporta na tutulan ang paglulunsad ng all-out war ay sina Reps. Ana Sahidula, Pangalian Balindong, Nur Jaafar, Bai Sandra Sema at Jim Hataman.

Sa isang pahayag inamin nina Jaafar at Sahidula na hanggang ngayon ay may “splinter groups” na posibleng tutol sa peace process at siyang naghahasik ng kaguluhan doon.

Sinang-ayunan din ng mga kongresista ang paghahain ng kaso sa mga responsable sa pagpatay.

Iminungkahi rin ng mga ito na repasuhin ang nilalaman ng “peace agreement noong 1996” at huwag tigilan ang imbestigasyon hangga’t hindi natutukoy ang mga suspek maging ang mga nasasangkot sa mga naunang pagpatay sa mga sundalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply