All out war vs illegal gambling sa R-4, moro-moro

MORO-MORO lang ang pagpapatigil ng kapulisan ng Region-IV-A (CALABARZON) sa lahat ng mga iligal na pasugalan sa buong nasasakupan ng nasabing rehiyon.

Ang nakapagtataka kasi rito, sa kabila ng all out war laban sa lahat ng mga iligal na pasugalan sa rehiyon ay patuloy umano ang pangongolekta ng tong sa lahat ng mga iligal na pasugalan sa buong nasasakupan ng Region 4-A.

Ayon sa info, patuloy raw ang ginagawang tong-collection ng mga tauhan ni Gen. Meneses sa mga gambling operator ng bagman/collector  nitong si Supt. Peralta.

Hindi pa rin daw tumitigil sa operasyon ng mga iligal na pasugalan ang lahat ng  mga gambling operator sa Region 4-A sa kabila ng mahigpit na kampanya ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome.

Ginogoyo lang nina  Gen. Meneses ang mga taga-CALABARZON na kunwari ay tigil ang operasyon ng lahat ng mga iligal na sugalan sa Region 4-A pero ang totoo ay patuloy na tumatanggap at nangongolekta ng tong ang mga ito mula sa mga gambling operator ng nasabing rehiyon.

Katunayan ay patuloy pa rin daw ang operasyon ng bookies ng STL, lotteng at video-karera ng mga operator mula sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal at Quezon.

LANTARAN ANG SEX-TRADE SA METALICA

Sa Quezon City naman ay grabe ang pagpapalabas ng  bold shows sa Metalica Disco sa Quezon Avenue, Quezon City.

Ang nakapagtataka rito ay kung bakit sa kabila ng lantaran ang bold show at prostitution sa Metalica Disco ay hindi ito hinuhuli ng mga otoridad.

Wala raw ipinagmamayabang ang may-ari ng Metalica Disco kundi si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista. Malakas daw sila at hindi matitinag kahit front ng prostitution ang club.

oOo

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply