All-out-war vs MILF suportado sa Senado

SUPORTADO ng ilang senador ang paglulunsad ng all-out-war laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF)  upang tuluyan nang mapulbos ang rebeldeng Muslim na ugat ng karahasan at kawalan ng kaunlaran sa Mindanao.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Panfilo Lacson na napapanahon ang all-out war laban sa MILF upang mabigyan ng katarungan ang buhay ng sundalong “kinatay” ng rebeldeng Muslim sa kabila nang deklarasyon ng tigil-putukan.

Sa linggong ito, umabot na sa 23 sundalo at pulisya ang pinaslang ng MILF sa kabila ng tigil-putukan bilang preparasyon sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nitong October 18, umabot sa 19 sundalo ang pinatay ng MILF habang nagpapatrulya sa Al-Barka, Basilan at anim na sundalo at pulis naman ang kinatay sa Sibugay, Zamboanga nitong Miyerkoles.

“As the government has re-initiated a policy of peaceful and diplomatic negotiations, the other side has shown modest interest in attaining long-lasting peace, especially considering their latest show of aggression where 23 of our soldiers and three policemen have died,” ayon kay Estrada.

Sinuportahan din ito ni Lacson sa pagsasabing napapanahon ang paglulunsad ng all-out war laban sa rebeldeng Muslim tulad nang isinagawa ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 1998 na dinurog ang isa sa pinakamalaking kampo ng MILF sa Mindanao.

Sinabi ni Lacson na walang ibang dapat sisihin sa pagiging marahas ng MILF ang pagbibigay natin sa kanilang ng pagkakakilanlan kaya’t kailangan nang putulin ang gapos ng ating mga sundalo at pulisya at bigyan sila ng awtorisasyon na lusubin ang MILF nang parehas na laban, hindi ganitong tila nakatali ang kanilang kamay sanhi ng usapang pangkapayapaan na nababalot ng panlilinlang at katrayduran.

“It is odd that our territorial integrity is being threatened from within. There is only one Armed Forces of the Philippines under only one Commander-in-Chief. Any other armed group outside the AFP and the PNP and other law enforcement agencies must be considered as enemy of the state and should be treated as such under existing laws of the republic,” giit ni Lacson.

“It is difficult for our soldiers to understand why they should not be allowed to patrol or conduct military exercises inn any part of their area of jurisdiction,” patapos ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply