Ama na nanghalay sa 2 anak, pamangkin sa Marikina tiklo

HULI ang isang 31 anyos na ama makaraang gawing sex slave nito ang dalawang anak na babae at pamangking babae sa Marikina City.

Kasalukuyang nakapiit sa Marikina City Police Station ang suspek na nagtatrabaho bilang janitor at residente ng Barangay Fortune na pansamantalang di binanggit ang pangalan.

Nabatid na nasa anim na taong gulang, siyam at 15 anyos ang mga biktima na halos dalawang taon nang minomolestiya ng suspek habang nasa ibang bansa ang misis nito.

Nahuli ang suspek makaraan siyang isuplong sa pulis ng mismong mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply