Ama naglason sa harap ng mga anak sa CamSur

NAGLASON ang isang padre de pamilya sa harap mismo ng kanyang mga anak sa Camarines Sur Biyernes ng gabi (Oktubre 28).

Dead on arrival sa Tigaon Infirmary Hospital (TIH) sanhi ng pag-inom ng lason ang biktimang si Bernardo Obias, 38-anyos ng Ramos Subdivsion sa bayan ng Tigaon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6:30 kagabi sa mismong bahay nito.

Ayon sa salaysay ng mga anak, bago ang insidente ay napansin nila ang pananamlay ng kanilang tatay pero hindi naman nila ito makausap dahil sa takot na sila ay pagalitan nito.

Nagulat na lamang sila nang biglang laklakin nito ang isang uri ng kemikal na nakalagay sa bote na matagal nang nakatago sa kanilang kabinet.

Nakita na lamang nilang biglang bumula ang bibig ng kanilang tatay kaya daglian silang humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply