Ambassador Thomas humingi rin ng tawad sa DOJ

PORMAL nang humingi ng tawad si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kay Justice Secretary Leila De Lima kaugnay ng pahayag niya na 40 porsiyento ng mga foreign tourist ay dumadayo lang sa Pilipinas dahil sa sex.

Sa liham ni Thomas kay De Lima ay humingi ito ng paumanhin at nagpaliwanag na hindi niya intensyon na insultuhin ang mga Filipino na kanyang hinahangaan at nirerespeto.

Matatandaang umani ng kaliwa’t kanang batikos si Thomas sa naging pahayag niya at hinamon pa ito ni De Lima na magpaliwanag at maglabas ng datos na magpapatunay sa kanyang alegasyon.

Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Thomas na humihingi ng tawad sa naturang pahayag na may kaugnayan sa turismo ng bansa.

Sinabi ni Del Rosario, na sa isang forum ay sinabi ni Thomas na labis niyang pinaghihinayang ang kaniyang naging pahayag na wala namang pinagbabasehang statistics.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply