Amo ipinakulong ng kasambahay

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos itong ipagharap ng reklamo ng kanyang dalagang kasambahay matapos na pagtangkaang abusuhin sa loob ng kwarto nito sa Navotas City kagabi (Oktubre 20 ).

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at child Abuse ang suspek na si Erick Rose, y Arboleda, 39-anyos, may-asawa, store owner, ng Blck 32, Phase 2 Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:45 ng simulang paglalamasin ng suspek ang dibdib ng natutulog na biktimang si Juvy, hindi tunay na pangalan, 19-anyos, sa loob ng kwartong kanyang tinutulugan

Nang magising ang biktima nakilala niya ang kanyang amo at agad pinilit na makatakas at humingi ng tulong sa pulisya na naging daan upang arestuhin ang suspek.

Nabatid na si Juvy ay tatlong buwan pa lamang naninilbihan bilang kasambahay ng suspek at stay-in siya sa bahay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply