Ana Julaton napanatili ang titulo

WAGI pa rin at napanatili ni Ana ‘Huricane’ Julaton ang kanyang WBO super bantamweight title matapos na talunin sa pamamagitan ng unanimous decision ang Mehikanong boksingero na si Jessica Villafranca sa Polifuncional Sports Complex sa Yucatan, Mexico kaninang umaga.

Hindi naging madali ang laban para kay Julaton dahil pumutok ang kanyang kanang kilay nang ma-head-butt ng kanyang kalaban pero hindi naman ito naging hadlang para masungkit ang unanimous desicision tungo sa kanyang pagkapanalo.

Sa unang bahagi pa lamang ng laban, nakitaan na ang Pinay boxer ng kakaibang galing, bilis at pagka-agresibo kaya kontrolado nito ang 10-round bout.

Si Julaton ay sinanay din ni World Boxing Hall of Fame trainer Freddie Roach at mayroon ng professional record na 10-2-1 (win-loss-draw).

Ang huling talo ni Julaton ay noong nakaraang taon laban kay Lisa Brown pero bumangon at inagaw ang korona kay Maria Elena Villalobos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply