Anak ng ex-Mayor nambugbog ng magsasaka, arestado

INARESTO ang anak ng dating mayor ng Majayjay, Laguna makaraan umanong mambugbog ng magsasaka at manlaban pa sa mga pulis na umaaresto sa kanya.

Nasa kamay na ng awtoridad si Kevin Rodillas, 18 anyos, residente ng Barangay San Roque, Majayjay at anak ni dating Mayor Victorino Rodillas makaraang mambugbog mampukpok ng bote sa isang magsasaka.

Imbes umanong magpaawat sa mga rumespondeng pulis, nanlaban pa ito kung saan tinangka pa umano niyang saksakin si PO1 Edralin Rodriguez.

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang binata sa Majayjay Police Station at kakasuhan ng mauling at direct assault upon a person in authority.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply