Anak ng sundalong mamamatay sa bakbakan may libreng edukasyon

SAKALING maipasa ang panukala ni Sen. Jinggoy Estrada, magkakaroon ng libreng edukasyon ang mga anak ng mga sundalo at pulis na pinatay o namatay sa pakikipagsagupaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) tulad nang naganap na Basilan massacre.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Estrada na layunin ng Senate Bill 753 na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang menor na edad na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na napatay ng rebeldeng grupo.

Bukod sa libreng tuition fee, makakakuha ng allowance ang anak ng sundalo at pulis na napatay para sa libro, school supplies, transportasyon, damit at pagkain hanggang makatapos ng sekondarya.

Sakaling maipasa ang panukala, sasakupin ng naturang benepisyo ang lahat ng batang namatayan ng magulang bago o pagkatapos maaprubahan ang panukala.

Ayon kay Estrada, kapag tumanda ang benepisaryo at hindi pa nakatatapos ng sekondarya, ipagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda hanggang makatapos sa pag-aaral.

Sinabi pa ng senador na maliit lamang na gastusin ang naturang tulong kumpara sa pagbubuwis ng buhay ng sundalo at pulis upang maipagtanggol ang ating bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply