Anak pinagtangkaang patayin ang ama

NAHAHARAP ngayon sa kasong attempted parricide at Batas Pambansa (BP) 6 ang isang adik na anak makaraang pagtangakaang patayin ang sariling ama na tumagging magbigay ng pera para ipambili ng droga Miyerkoles ng gabi (Oktubre 12) sa Pasay City.

Ang suspek na kinilalang si Cris Rimas, 20, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ay dinadakip ng mga barangay tanod na sina Joaquin Garcia, Jr. at Eddie Villegas, Jr. ng Brgy. 183 Zone-28, Pasay City.

Batay sa reklamo ng ama na si Eduardo Rimas, 56, kay SPO2 Allan Valdez ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), abala umano siya sa pagtitinda sa kanilang canteen sa nabanggit na lugar nang dumating ang suspek.

Dumating ang suspek dakong alas-10:45 ng gabi na nagsisigaw at humihingi ng pera.

Dahil batid ng ama na ipantutustos lamang sa bisyo ang hinihinging salapi, tumaggi ang biktima na magbigay na labis na ikinagalit ng anak.

Dinampot na anak ang ginagamit na kutsilyo sa kusina at pinagsasaksak ang ama na masuwerteng naka-ilag.

Hinabol pa ng suspek ang biktima pero maagap na nasukol ito ng mga barangay tanod at nabawi sa pag-iingat ang isang 10 pulgadang patalim na gagamitin sana para patayin ang kanyang saliring ama. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply