Andi Eigenmann di yata naturuan ng tamang moral values?

KAKAIBA ang mga opinion ni Andi Eigenmann base sa interview sa kanya ni Kris Aquino sa isang episode ng show ng presidential sister. Tila wala sa bokabularyo ng dalagang buntis kung ano ba’ng kahulugan ng moral values. O baka naman sadyang di na-impart kay Andi ni Jaclyn Jose kung kaya maaga ang ginawang pagwawala nito kaya nabuntis sa pagkadalaga?

Dami sana nakikisimpatya sa sinapit niya dahil sayang nga naman, sa murang edad niya, ayan at dalagang ina na siya. Isa pa yung panghihinayang sa napaka-promising niyang pero mas inuna pa niya ang pagpapabuntis.

“Kailan pa naging mali yung pagbubuntis at pagkakaroon ng anak, di ba blessing naman yun,” sagot niya sa isang tanong ni Krissy who looked shocked but just the same binara-bara si Andi sa walang patutunguhang sagot nito. Well, if we may say, Kris Aquino is a very moral person at di hahayaang gawing tama yung maling mga sagot ng bisita niya sa kanyang show.

Kris is too intelligent na alam na niya kung ano ang tama sa sagot ng kanyang mga guest. If she feels, di moral ang sagot, right there and then, itinatama niya ito. In many instances, nag-impart ng words of wisdom si Kris kay Andi especially sa sakit na nararamdaman ng isang magulang kapag napaririwara ang isang anak na gaya ni Andi. Nagpahayag din ng panghihinayang si Kris sa maraming magandang project para sa kanya ang ABS kung hindi lang siya maagang nagpabuntis.

But in the same instances, mukhang deadma lang ang anak ni Jaclyn Jose who insisted na wala na siyang magagawa dahil kapalaran na raw yata niya ito.

Sadya lang bang liberated si Andi o baka naman walang muwang sa moralidad dahil di nga siya naturuan ng tamang kaisipan?

Para sa kanya kasi, sa tingin namin, sapat na yung masaya, na kung masaya siya, tama na yung ginagawa niya.

Walang remorse ni katiting ang lola ninyo!

Well, anak din kasi sa pagkadalaga si Andi kung kaya para sa kanya, dahil masaya naman siyang lumaki sa piling ng ina, ay tama na rin ang kanyang ginawang pagpapabuntis.

Ayon pa sa kanya, na sinabi niya sa naturang show, bata pa raw kasi siya, at nung mga panahong ginagawa niya yung pagkakamaling magpabuntis, parang di na niya naisip kung ano ang kahihinatnan noon. Na para bang dahil bata pa siya, puwede na yung mga kamaliang nasuungan niya. Wala talagang pagsisisi ni katiting man lang ang lola n’yo sa sinapit niya. At wala rin daw siyang pakialam kung nasira man ang career niya.

Malungkot si Kris Aquino during the interview at kulang na lang talaga, tarayan si Andi sa mga walang kawawaan at walang kamoral-moral na sagot sa mga  sagot ni Andi sa kanya.

So there!

***

Wonder Gays ibubuking ang mga artistang bading

KAUNA-UNAHANG concert ng gayband na Wonder Gays, “May Nag-Tweet…Har Har,” at Zirkoh Morato on Tuesday, October 18, 8 p.m. The show is bound to be controversial since they have a bading medley with songs of singers who are suspected to be gay.

Di raw nila pangangalanan ang singers but they sang their songs during the presscon pero napakadaling mag-conclude that the singers alluded to are Piolo Pascual, Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela and Bugoy Drilon. Paano kung mag-react ang mga singer na ito?? “Bakit, pinaghihinalaan ba silang bading? Pag nag-react sila, bahala sila, bading talaga sila.”

Special guests nila sa concert sina Polo Ravales, Ahron Villena, Frank Garcia, Baron Geisler and Kris Lawrence. “Usually, ‘yung male guests, nilalandi namin. But this time, sila ang lalandi sa amin,” sabi pa nila.

Sino naman ang ilusyon nilang makaum-uman kung sakali? Blue: “Ako si Ahron kasi mahilig ako sa bagets.”  Pink: “Ako si Baron, kasi gusto kong binubugbog muna ako.” Green: “Si Baron din kasi umiinom siya, inuman muna kami.” Gray: “Ako si Polo, ang ganda ng body.” White and Black won’t mention anyone.

Blue and Black: “Coco Martin. Napanood namin siya sa ‘Serbis’ na nag-full frontal siya. Ang swerte nu’ng girl.” White: “John Lloyd Cruz” Green: “Sam Milby” Gray: “Enchong Dee, kasi ‘di ba, sabi nila, ganu’n din siya?”

Nainsulto nga ba sila sa pangmamaliit ni Vice Ganda sa kanila? “Hindi po, mahal namin siya kasi idol namin siya. Nasaktan kami sa tweet niya pero sabi niya, hindi raw siya ‘yun. We’ll just consider it a challenge para gawin naming mas bongga ang performances namin.”

The eldest member of the group is White, who’s best known for his Nora Aunor impersonations. He says he’s a former macho dancer and has four children.
Excited ba sila?

“Siyempre, first concert namin in a big venue, wala na nga kaming tulog at bugbog na kami sa rehearsals to make sure magiging very entertaining ang buong show.”

They’ll sing their songs from their first album like the hit “Blind Item,” “Pare,” “O Lala,”  “Kiyeme Lang ‘Yun,”  all composed by Blanktape, another talent of their manager, Lito de Guzman, who’ll also be a guest in the show. Since they all started in comedy bars, they promise to deliver laugh-out-loud jokes that are all original, sure to make the audience roll with laughter.

For tickets that are now selling like hotcakes, call Icon Cabalejo at LDG Productions, tel. 413-6791 and 441-1276.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply