Ang Body Dysmorphic Disorder at ang epekto nito

ALAM ba ninyo na ang labis na pagka-conscious sa itsura o pisikal na kaanyuan ay maituturing na ring isang sakit o disorder? Ito ang tinatawag na Body Dysmorphic Disorder, (BDD). Ang BDD ay nasa listahan ng mga disorder sa DSM-IV sa ilalim ng somatization disorders, ngunit clinically, ito ay may pagkakapareho sa Obsessive-Compulsive Disorder (OCD).

Sa sakit na BDD, masyado ng apektado ang tao kahit sa maliit na depekto ng kanyang katawan. Tila exaggerated masyado sa maliit na depekto sa kanyang katawan kaya pinai-enhance ito.

Ang mga taong mayroon ng disorder na ito ay naiisip ng ilang oras kada araw ang depekto sa katawan o itsura, kahit na ito ay maliit na depekto lamang.

Kadalasan, nababahala ng labis ang mga may BDD sa kanilang facial features o kaya naman ay sa buhok, balat at maging ang amoy.

Ang disorder ay nagsisimula sa adolescence stage at ito ay maaaring maging “chronic” at maging dahilan ng “great deal of internal suffering.”

Pakiramdam ng may disorder na siya ay nakahihiya sa isang social situations gaya ng party o simpleng pakikipag-usap lang sa ilang tao hanggang sa komunsulta na siya sa dermatologists o plastic surgeons at sumailalim sa isang masakit o risky procedures upang mabago ang kanyang naiisip na depekto.

Sa mga may disorder ang medical procedures ay nagbibigay sa kanila ng relief. Ngunit ito ay maaaring tumungo sa mas malalang sintomas. Halimbawa, nagbibigay ng relief sa isang taong may BDD, ang isang procedure, ang tendency, maaaring ipaulit ng ipaulit ang procedure at maaaring pati ang ibang parte ng katawan ay mahanapan ng depekto kahit sa totoo lang ay wala namang depekto o maliit lamang ang depekto.

Isa pang hindi magandang dulot ng pagkakaroon ng BDD ay nali-limit ang pakikipagkaibigan sa sobrang conscious ng taong may BDD.

Ang obsessive ruminations ukol sa pisikal na itsura ay maaaring maging hadlang upang maka-concentrate sa gawain gaya ng schoolwork o mismong trabaho.

Ang BDD ay associated din sa social phobia at OCD at delusional disorder. Kapag malala na ang BDD ito ay pwedeng mag-lead sa isang major depressive disorder. Kapag ito naman ay associated sa delusions, ito ay reclassified as Delusional disorder, somatic subtype. Ang Bromosis (excessive concerns about body odor) at ang Parasitosis (concern that one is infested by parasites) ay classically associated sa delusions.

Ang iba pang kondisyon na maaaring mapagkamalang BDD ay ang: “Neglect caused by a parietal lobe brain lesion; anorexia nervosa at ang gender identity disorder.”

Mga behaviour na associated sa disorder na ito ay:

1. Masyadong madalas na pagtingin sa salamin o kaya naman ay takot na humarap sa salamin.

2. Madalas na paghawak sa parte ng katawan na iniisip na may depekto.

3. Masyadong ini-elaborate ang mga grooming ritual.

4. Umiiwas sa mga tao na tingin nila ay huhusga sa kailang depekto.

5. Pagkaramdam ng anxiety kapag kasama ang ibang tao.

6. Kapag “chronic” o malala na ang disorder ay magle-lead ito sa “social isolation,” school dropout, major depression, at magpa-surgery at ang pinakamalala, ang mag-suicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply