Ang mga paniki sa MPD kahit sa dilim nakakikita

BUGAWIN po natin ang mga mapanganib na ‘paniki’ na walang habas ang ginagawang pangongotong sa mga motorista lalo na sa mga biyahero’t biyahera at sa ‘no helmet’  na dumaraan sa Bonifacio Drive, Port  Area at Roxas Blvd. cor Kalaw Sts., Ermita.

Ang mga ‘paniking’ binabanggit natin ay ang mga gumagamit ng Mobile Patrol# 359, 324, 310, 352 at 337 ng Manila Police District (MPD).

Ibang klaseng ‘paniki’ ang mga pulis na sakay sa Mobile Patrol na ito dahil kung isa ka sa mga mabibiktima ng mga ito, ultimo singko sentimos sa bulsa mo ay lilimasin ng mga ito.

Walang araw o oras na pinalalampas ang mga paniking ito dahil wala silang mga kabusugan kung manibasib.

Buti pa nga ang buwayang si Lolong, kahit limang araw na hindi kumain ay hindi siya nagugutom.

Hindi tulad ng mga crew nang Mobile Patrol na ito, araw-araw ay walang tigil sa pangongotong. Hanggang ‘di sila nakapagba-boundary di sila tumitigil.

Madalas ninyong makita ang mga ‘paniking’ ito na nagtatago sa madilim na bahagi ng Bonifacio Drive at Roxas Blvd. na naghihintay ng kanilang biktima.

Magugulat na lamang  ang mga biyahero na nasa likod na nila ang mga paniking ito at winawang-wangan na sila.

Daig pa ng mga paniking  ito ang mga tunay na paniki dahil ang mga mata nila ay sobra kung manlisik.

Kahit madilim ay nakikita nilang may paparating na mga motorista na madidelihensiyahan nila.

SUGALAN  MALAPIT SA KAMPO

Bilib naman ako sa peryahan ni Cris na front ng iligal na pasugalan.

Mantakin ninyo, ilang metro lang ang layo nila sa kampo ng kapulisan ng NCRPO pero nakapag-ooperate ang mga ito kahit iligal.

Magkano ba ang ‘tongpats’ sa NCRPO nito?

oOo

Anomang reklamo o pu-na itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply