Ang panggagayuma

“I AM possed by the urning love for this man/woman. And this love comes to me from asparas, who is victorious ever, let this man/woman  yearn for me. Desire me, lt his/her desire burn for me! Let this love come forth from the spirit and enter him/her. Let him desire me as nothing has been desired before! I love him/ her, want him/her: He/She must feel the same desire for me! O spirit of the air, let him/her burn with love for me! “ –- fortunecity.com

Ito ay isang uri ng love spell o orasyon. Narinig naman siguro ninyo ang salitang gayuma?

Totoong may mga taong gumagawa ng gayuma katulad ng mga love potion, love chant o spell, love charms (kuwintas, sing-sing, bracelet a.t.b.p) ) at manika o voodoo doll para makamit nila ang kanlang inaasam na pag-ibig.

Hay pag-ibig nga naman, talagag makapangyarihan. Lahat ng tao ay gustong mahalin ng kanilang iniirog. Minsan pa nga ay umaabot pa sa paggamit ng love spell, chant at potion para makamit ito.

Ayon sa mga nagsasaliksik ukol sa gayuma isa itong itim na mahika o black magic. Ginagamit ito bilang isang paraan nang pang-aakit ng tao sa kanilang labis na sinisinta. Kadalasang umano, yung mga taong bigo sa pag-ibig ang gumagamit ng gayuma upang makamtan ang inaasam-asam na pag-ibig.

Mayroon ring mga tao na gumagamit nito bilang ganti sa ginawa sa kanila ng ibang tao na hindi nila nagustuhan. Papaibigin nila sa kanilla ang taong ito bago gantihan.

Uri ng pangkaraniwang gayuma

1. Love potion – ito ang uri ng gayuma na hinahalo sa pagkain o inumin ng taong nais na gayumahin. Maraming nagsasabing mabisa ang ganitong panggagayuma kapag ang nanggagayuma ay talagang nagtititwala sa kanyang panggagayuma.

Ayon sa mga ninuno, ginagawa ang love potion sa pamamagitan ng pagsasama ng bagay mula sa nanggagayuma at ginagayuma, halimbawa nito ay dugo at pawis. Ito ay hinahalo sa mga halamang-damo, halamang organiko, ugat, sanga o mga parte ng katawan ng insekto at hayop. Maaari ring gumamit ng mga mamahaling bato. Ito ay ginagawa sa isang ritwal.

2. Love chant/spell- ito ay isang uri ng dasal o panalangin. Madalas itong ginagawa bago matulog o di kaya ay tuwing kabilugan ng buwan. Malakas daw kasi ang kapangyarihan ng spell o chant kapag kabilugan ng buwan. Kapag ang ritwal nito ay ginagawa kadalasang nagsisindi ng insenso o kandila. Ito ay dapat na gawin ng paulit-ulit.

3.Voodoo doll- Ginagamit ito upang pasunurin ang isang taong ginagayuma. Sa pamamagitan ng pagkabit sa manika ng bagay gaya ng buhok, kuko at iba pa na galing sa ginagayuma ay napapasunod o napapa-ibig niya ito.

Taong bihasa sa panggagayuma

Hindi madali ang panggagayuma ayon sa mga naniniwala at gumagawa nito. Ito raw ay dumadaan ng proseso at pinag-aaralan. Kadalasang sinasabing ang panggagayuma ay isang aspekto nang pangkukulam.

Ang mga taong eksperto sa gawaing ito ay alam kung anong uri ng gayuma ang gagamitn sa isang tao. Aalamin muna ang istorya ng taong kumokunsulta sa kanya. Sila ang nakakaalam kung ano ang tamang sukat, dami o dalas nang pag-inom ng naturang potion o ritwal. Depende rin daw ito sa bigat ng hangarin ng taong nagpapagayuma.

Isang uri ng negosyo

May kilalang kugar sa Maynila kung saan makabibili ng gayuma (love potion, spell/chant, manika at love charms). Ilang dekada na ang mga nagbebenta nito sa Quiapo.

Marami ring nanggagayuma sa mga probinsya at karaniwang associated ito sa pangkukulam. Kapag kinuha ang kanilang serbisyo ay may kapalit na pera o kaya naman ay pagkain gaya ng bigas, gulay at prutas.

Mayroon ding naglalako na kung minsan ay magugulat ka na lang at bigla kang lalapitan at aaluking bumili ng kanyang produkto. Nagbibigay ang mga nanggagayuma ng isang papel na may nakasulat na dasal at guhit ng mga simbolo na nakakapagpatibay daw sa epekto ng gayuma.

Ilan lamang ang mga ito sa marami at di mabilang na impormasyon tungkol sa gayuma.

About Thor

6 Comments

  1. john

    November 10, 2012 at 2:53 pm

    can you help me about my lover because i love her so much can give me a tips about gayuma tnx

  2. cherry ann

    May 6, 2013 at 10:24 am

    good am po,pwed po patulong?kailangan ko po kc gayumahin un bf ko kc mahal n mahal ko sya,diko po kc kya mawala sya kht alm ko my asawa na sya..paano po ang gagawin ko pang ga2yuma pra maging akn sya at ako nalang mahalin nya?

  3. criselyn

    November 11, 2013 at 11:24 am

    gusto lang unta lang sana na hindi kami magkahiwalay ng bf ko :( gusto ko siya paratai ko siyang kasama.o nakikita sa paligid ko kung saan man kami please po patulong .. hindi ko po gusto mag work siya gagawin ko lahat po para sa kanya kasi ayaw niya kami paglapitin ng kanyang auntie ewan ko kung bakit baka daw sasabihin ko siya ng masama tungkol sa auntie niya please po :( patulong mo anu po gagawin ko hindi po ako makontento sa txt lang! hindi po ako sanay noon .. sana po tulungan niyo ako! salamat

  4. janine cahilo

    June 28, 2014 at 8:44 am

    paano poh gawin ang ritwal na gayuma.?

  5. janine cahilo

    June 28, 2014 at 8:46 am

    Paano poh gawin ang ritwal na gayuma?

  6. Kira

    August 27, 2014 at 12:29 am

    Pede po Turo nio po sakin pano babalik sakin ang taong mahal ko at iniwan Ako ,,, Tanx po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>