Ang SunPIOLOGY Ni Piolo Pascual

BUKOD sa kanyang kontrobersyal (kundi man misteryoso) na lovelife, marami pang ibang pinapahalagahan at pinagkakaabalahan si Piolo Pascual sa kanyang buhay. Kabilang sa mga bagay na iyon ay ang commitment n’ya sa pagkakawanggawa, sa sports at sa larangan ng sining na walang kinalaman sa kanyang pagiging actor at singer.

Sa panahong ito ay abalang-abala si Piolo sa kanyang SunPIOLOgy kung saan nagsasanib ang pakikisangkot n’ya sa kawanggawa, sining ng potograpiya at larangan ng pagtakbo. Collective project n’ya ang SunPIOLOGY with Sun Life Financial kung saan isa siya sa pangunahing endorsers. May malaking related events siyang pinaghahandaan na idaraos mula sa December 10 ng taong ito.

Nagsimula ang SunPIOLOgy three years ago dahil sa hangarin ng actor na makalikom ng pondo para sa foundation n’yang Hebrew 12:1 (biblical verse po ito) na nagbibigay ng scholarship sa mahihirap na kabataan. Nung unang taon ay nag-exhibit si Piolo ng mga litratong kuha n’ya at pinangasiwaan ng Sun Life ang pagpapa-auction nu’n sa Internet. Ginamit din ang mga larawan sa isang planner na ibenenta sa madla. Nung ikalawang taon ay nagpa-online auction uli ang Sun Life ng mga kuha n’yang litrato na ginamit din para sa 2010 planner na binansagang Pursuits. May share ang Hebreo 12:1 sa kita ng pagbebenta ng mga kuha ng actor at sa planner.

Ngayong 2011, hindi lang mga kuha ni Piolo ang ie-exhibit, kundi pati na rin ang painting interpretation sa 12 katauhan ng actor na likha ng isang scholor ng kanyang foundation. May running event din na pangungunahan n’ya ceremonially (bagama’t hindi na siya kasali sa kumpetisyon, dahil siya na nga ang organizer nito).

Ang exhibit ay bubuksan sa December 10 sa bagong tayong building na Sun Life Centre sa Bonifacio Global City. Invitational lang ang exhibit opening pero kinabukasan ay open na ito para sa madla.

Ang 12 persona (katuhan) ni Piolo na i-interpret ng isang batang pintor ay ang kanyang pagiging actor, singer, producer, triathlete, youth icon (o sagisag ng kabataan), pilantropo, ama, anak, photographer, at wealth wonder (na maaaring may kinalaman sa pagiging endorser n’ya ng Sun Life Financial na may investment schemes para sa mga gustong makaipon ng pondo para sa kanilang kinabukasan at para na rin sa mga mahal nila sa buhay).

“Panoramic Portals” nga pala ang titulo ng exhibit. Ibebenta pa rin by online auction ang mga kuha ni Piolo. Ang hindi pa malinaw sa amin ay kung pati ang paintings ng Hebreo scholar ay io-auction din online.

Pwede rin sigurong hindi na io-auction yon online kundi deretsahan ng ibebenta during the exhibit, bagama’t pagkatapos pa ng exhibit pwedeng iuwi ang biniling painting. Sa January 11 magtatapos ang exhibit at bisperas yon ng kaarawan ni Piolo.

Sunset Run naman ang tawag sa running event na bagong elemento ng SunPIOLOgy, at sa December 12 ito idaraos.

Iniidolo na rin pala ang actor dahil sa bilis n’yang tumakbo. Nagsimulang bumilib sa kanya maski na ang mga beteranong outdoor runners nung makumpleto n’ya ang 10 kilometro sa loob lamang ng 47 minutes and 56 seconds nung sumali siya sa First Timex Run 2009 (ang Timex ay brand ng relos na ini-endorse ni Piolo). Firs time din n’yang sumali nu’n sa outdoor running, dahil dati ay sa treadmill lang siya tumatakbo.

Gayunpaman, dumaan siya sa special training para sa 10-kilometer run na yon sa pangangasiwa ng pamosong running coach na si Rio Cruz (na sa pagri-research namin para sa running involvement ni Piolo ay nadiskubre naming pinsan pala ng Miss Universe runner-up na si Venus Raj). Mula nung 2009 ay iba’t ibang running competition na ang sinalihan ni Piolo.

Samantala, ang Sunset Run ay magsisimula sa tinatawag na “vertical run” mula sa ituktok ng Sun Life Centre. May kumpetisyon para sa 3 kilometro, 5 kilometro, at 10 kilometro. May special competition for 500 meters para sa mga batang ang edad ay 5 hanggang 10 taon. Kailangang naka-costume ang mga bata.

Alam n’yo na sigurong may joining fee ang mga karera ng takbuhan. At para malaman n’yo ang competition fee sa bawat kategorya ng Sunset Run, mag-log-on na lang kayo sa www. sunpiology.com.

Oo nga pala, sa mga walang panahong magbuklat ng kanilang Bibliya, heto ang Hebreo 12: 1: “Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsaghang ating sinalihan.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply