Angat Dam susuriin ng international expert

MATAPOS maiulat na nanganganib ang Angat Dam sakaling tumama ang malakas na lindol, lalagdaan agad sa kontrata ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Irrigation Administration (NIA) at National Power Corporation (Napocor) kasama ang isang international expert para sa gagawing pagsusuri sa kalagayan ng dam.

Ayon kay MWSS administrator Gerry Esquivel, nakumpleto na nila ang mga gagamitin para sa pagsusuri sa dam kaya sa Oktubre 19 itinakdang lagdaan ang kontrata kasama ang isang international expert mula sa New Zealand.

Maaari umanong dagdagan ang istraktura ng Angat upang mas mapatibay ito ngunit depende pa rin ito sa rekomendasyon ng international expert.

Sa ngayon sinabi ng MWSS na ligtas pa ang kasalukuyang istraktura ng dam ngunit kapag tumama ang isang malakas na lindol ay may panganib na masira ang dam at siguradong maaapektuhan ang Bulacan at karatig lalawigan.

Ayon naman sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na delikado sa malakas na lindol ang dam dahil 200 meters lang ang layo ng main dike mula sa west valley fault line.

Samantala, duda naman si Senate President Juan Ponce Enrile na magiging matagumpay ang balak ng local government ng Bulacan na sampahan ng kaso ang pamunuan ng Angat Dam bunsod ng naranasang malawakang pagbaha sa kanilang lugar.

Ayon sa pangulo ng Senado, ginawa lamang ng mga tagapamahala ng dam ang tungkulin nitong magpakawala ng tubig dahil mas lalong mapanganib kung iipunin nito ang baha sa harap ng pagtama ng malakas bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply