‘Angry birds bill’ ni Castelo kuryente

SINABOTAHE ako.

Ito ang pabirong sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga kumakalat na balitang nais maghain ng isang panukalang batas na nagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong sikat na laro sa internet na “Angry Birds.”

Ayon sa kumakalat na tsismis, naghain umano si Castelo ng isang panukalang batas ukol dito, pero agad na pinabulaanan ni Castelo na hindi siya ang nagsulong sa House Bill 5379 o panukalang nagbabawal sa pagbebenta ng produkto ng Angry Birds.

Katunayan, paborito niyang laruin sa internet ang Angry Birds kasama na rin ang iba pang kahalintulad na nauusong produkto.

May hinala si Castelo na iniugnay sa kaniya ang panukala ng mga grupong tutol sa kaniyang anti-planking bill na naging kontrobersyal nitong nakaraang mga linggo.

Nilinaw ni Castelo na mas abala siya ngayon sa pagrerepaso ng Oil Deregulation Law at Freedom of Information Bill kaysa pagkaabalahan ang mga walang kwentang panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply