Ann Villegas acting coach na

HINDI natin nababalitaan pero may masasabi rin palang achievement sa acting sina Aifa at Arci Muńos na pareho nang taga-TV5 ngayon. Lumalabas din pala sa teatro yung dalawa, pero sa isang produksyon na hindi nagpapa-publicity at nagpu-promote sila lumalabas kaya hindi nababalitaan. Ang tinutukoy namin ay ang Sineng Pinagpala na pinamumunuan ng dating movie-TV actress na si Ann Villegas na mas kilala na ngayon sa showbiz bilang acting coach.

Nagsasalitan pala sina Aifa at Arci bilang Maria Clara sa produksyon ni Anne ng “Ang Buhay at Pag-ibig Nina Jose Rizal at Crisostomo Ibarra.” Sa mga eskwelahan sa iba’t ibang siyudad at probinsya itinatanghal ang nasabing dula na isinulat at idinidirek mismo ni Ann.

Alam n’yo ba kung sino ang gumaganap na Crisostomo Ibarra sa produksyon ni Ann e? Ang ka-loveteam noon ni Anne Curtis nung young star pa siya–si Chubbie del Rosario.

Sino naman ang nagbalita sa amin ng mga ito? Walang iba kundi si Juan Rodrigo na siyang gumaganap na Rizal. Ayon kay JR, mula pa nung 1998 siya gumaganap na Rizal sa theater company ni Ann.

At du’n sa mga gustong magtaray sa pagtatanong kung ano’ng karapatan ni Ann na magsulat at magdirek (bukod pa sa mag-produce), malamang ay hindi nila alam na si Ann ay mula sa angkan ng mga bodabilista at manunulat-direktor. Apo si Ann ng magkapatid na Ading Fernando at Dely Atay-atayan.

Si Ading ay ang yumaong director at orihinal na scriptwriter ng naging napakatagal na number 1 TV sitcom (situation comedy) sa bansa: ang “John En Marsha,” na nagtampok kina Dolphy at Nida Blanca. Sa sitcom na yon unang nakilala si Maricel Soriano bilang young star.

Bagama’t parehong nakilalang komedyante ang magkapatid na Ading at Dely, pareho rin silang magagaling umawit. Mahusay kumanta ng kundiman si Dely at kahit na nung komedyante na siya, kumakanta pa rin siya ng kundiman sa radio program noon ni Tiya Dely (Magpayo, yung nakilala sa radyo bilang mahusay na tagapayo). Si Ading naman ay ginagawang katatawanan ang pagkanta n’ya sa bigla n’yang pagsisintunado sa napakatagal ding naging sikat na TV show na Buhay Artista (na mas nauna sa John En Marsha).

So there, alam na ng mga medyo bata pang mambabasa natin na may karapatan si Ann na magsulat ng isang dula at magdirek.

Bukod sa pagiging actor sa pelikula, TV, at entablado, may business involvement din si Juan Rodrigo, at ito ay ang pagiging isa sa mga executive ng Necessities Opportunities, Inc (na may itinalagang acronym na NO1, o number one, kung babasahin). Isang networking company ito na ang mga produkto ay para sa kalusugan na karamihan ay mula sa organic products. Taga-showbiz ang presidente ng kumpanyang ito: ang singer na si Dr. Nonoy Zuńiga.

Kamakailan ay inilunsad ng kumpanya ang kanilang Livelihood for Everyone Program kung saan sa halagang P1,199.98 ay pwede nang makapagsimula sino man na magnegosyo ng health supplements (kabilang sa mga ito ang mga produktong hango sa malunggay, saluyot, at buko o niyog). Sa mga interesado, pwede kayong tumawag sa 435-5369 o sa 0922-861-9996 para sa mga detalye. Pwede rin kayong dumalo sa kanilang orientation seminar tuwing ika-14 at ika-28 ng buwan, na ginaganap sa Unit 107 ng V. V. Soliven Building na nasa Edsa (pagkalagpas lang ng Camp Crame, kung galing kayo sa Cubao).

Oo nga pala, magkasama kami ni JR sa spiritual and mind power group, ang Temple of Prayer, Peace, and Prosperity na nagdaraos naman ng sessions nito tuwing Linggo, 4 p.m., sa function room ng Old Swiss Inn restaurant. Pinamumunuan ito ni George Sison na regular guest ni Ramon Tulfo tuwing Huwebes, 3 p.m., sa DZIQ na nasa 990 AM sa pihitan ng inyong mga radyo. Makinig kayo kina Mon at George para malaman n’yo kung anu-ano ang spiritual mind powers na tinutukoy namin. Napaka-interesting na tao ni Juan Rodrigo dahil napakarami n’yang involvements!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply