Anne, Cristine, Derek kinabog sina John Lloyd at Sarah G.

KINABOG ng box office hit na “No Other Woman” ang naitalang rekord ng “You Changed My Life,” na nangunguna sa record ng mga highest grossing Filipino films.

Tumabo ng P220 milyon ang No Other Woman na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Cristine Reyes at Derek Ramsay. Ang nasabing kita ay sa loob lamang ng tatlong linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Tuluyan nang naungusan ng NOW ang pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na kumita ng P209 milyon noong 2009.

Patuloy naman ang pasasalamat ng mga bida ng NOW na sina Anne, Cristine at Derek.

Tampok din sa nasabing pelikula ang mahusay na aktres na si Carmi Martin na sinasabing nakapagdagdag ng “spice” sa pelikula sa pamamagitan ng mga litanya nito.

Ang No Other Woman ay showing pa rin sa mahigit 100 theatres nationwide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply