Anne Curtis handa nang mag-concert sa Araneta

MAKARAANG umabot sa gold ang kanyang first recording album na “Annebisyosa”, tuloy-tuloy na ang projects bilang singer ng TV host-actress na si Anne Curtis.

Sa hit talent show na “Showtime”, inihayag ni Anne na tampok siya sa nalalapit na concert ng bandang Side A at ni “Concert King” Martin Nievera, na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum sa Nobyembre.

Dagdag ni Anne, makikipagsabayan siya kay “Pop Princess” Sarah Geronimo, na tampok din sa nasabing concert.

Umaasa naman si Anne na magkaroon din siya ng sarili niyang major concert balang araw at buong kumpiyansang handang-handa siyang punuin ang Araneta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply