ANO ang meteor shower?

AYON sa mga nakalap naming impormasyon, ang meteor shower ay isang celestial event kung saan maraming bilang ng meteor o bulalakaw ang makikita sa isang parte ng kalawakan. Ang meteors na ito ay sanhi ng “stream of debris” na tinatawag na meteroids na papasok sa atmosphere ng mundo (Earth) sa napakabilis speed na parallel trajectories.

Kadalasan, ang mga bulalakaw sa isang meteor shower ay sing liit ng butil ng buhagin kaya lusaw na ang mga ito dahilan upang hindi nila maabot ang surface ng mundo.

Ang intense or hindi pangkaraniwang meteor showers ay tinatawag na meteor outbursts o kaya ay meteor storms, na maaaring makaprodyus ng mahigit na 1,000 bulalakaw sa isang oras.

Makararanas ng meteor showers ngayong Oktubr.

Unang makikita ang Draconids meteor shower na nakatakdang dumaaan sa himpapaawid bukas (Oktubre 8) at sa Linggo (Oktubre 9), 2011.

Uulan ng 40 bulalakaw at magbibibgay ito ng makutitap na liwanag sa kalangitan.

Sa Oktubre 17 hanggang 25 naman ay magiging kaabang-abang ang tinaguriang October Orionids meteor showers.

Ito ay may maximum rate na 15 bulalakaw kada oras.

Pinakamarami naman sa mga bulalakaw ng Orionids ay makikita sa gabi ng Oktubre 21 hanggang madaling araw ng Oktubre 22, 2011.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply