Anti-child labor committee inilunsad ng Dole sa Bicol

INILUNSAD ng Department of Labor and Employment (Dole) at ng Albay provincial government ang provincial anti-child labor committee upang lalong palakasin ang paglaban at pagsawata laban sa naturang isyu.

Ayon sa website ng ahensya, sina Labor Secretary Roslainda Baldoz at Albay Governor Jose Salceda ay pumirma ng kasunduan sa pagbuo ng Albay Provincial Anti-Child Labor Committee (APACLC).

“This agreement demonstrates Albay’s and the Dole’s serious resolve to promote children’s rights and lick the worst forms of child labor in the Bicol region. It sends a warning signal to child labor perpetrators that the law is not sleeping on them,” ayon kay Baldoz.

Ang pagpirma ng kalihim sa kasunduan ay bahagi ng dalawang araw na pagbisita nito sa Bicol.

Sa ilalim ng APACLC, nagsanib-pwersa ang gobyerno, national, provincial, local at international non-government organizations, church-based groups at law enforcement agencies sa pagsawata at paglaban sa child labor.

Umaasa naman ang APACLC  na mabibigyan ng karapatan ang mga bata at mawalis ang child labor sa Bicol.

Ikinatuwa ni Salceda ang pakikipagtulungan ng Dole sa paglulunsad ng nasabing programa laban sa child labor at sa pagsawata sa iba pang uri ng child labor tulad ng prostitusyon, white slavery at mga batang ginagamit sa pagmimina at sa karahasan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply