Anti-mining advocate na pari pinaslang

PATAY ang isang paring Italyano makaraang tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa bayan ng Arakan, North Cotabato kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Fr. Fausto Tentorio, parish priest ng Mother of Perpetual Help Church, na pinagbabaril habang papasok na sa kanyang sasakyan bago mag-alas 8:00 ng umaga.

Ayon kay Arakan Councilor Leonardo Reovoca, dadalo sana sa pagpupulong ng iba pang pari ang biktima sa Kidapawan City nang sumulpot ang lalaking naka-suot ng helmet at lulan ng motorsiklo.

Palaisipan pa kung ano ang motibo at sino ang posibleng nasa likod ng pamamaslang sa pari na kilalang anti-mining advocate. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply