Apo ni Guingona, sadyang nagpakamatay

SADYANG nagpakamatay ang 20-anyos na apo ni dating vice president Teofisto Guingona matapos tumalon sa ika-31 palapag ng Vivere Hotel kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief Sr. Supt. Ramiro Bausa makaraang magbigay ng kani-kanilang salaysay ang mga testigo kaugnay sa kanilang nasaksihang pagtalon ng biktimang si Martin Guingona Lamb mula sa Sky lounge ng naturang hotel, dakong 2:30 ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang sinumpaang pahayag kaugnay sa nasaksihang pagpapakamatay ng pamangkin ni Senator Teofisto “TG” Guingona III ang ilang mga waiter sa naturang Sky lounge, ang sanitation officer, security guard at mismong ang matalik na kaibigan ng nasawi na si Miguel Enrique.

Naging batayan din ng pulisya sa pagsasara ng tuluyan sa kaso ang nahagip na footages ng close circuit television (CCTV) camera sa naturang sky lounge kung saan namataan si Lamb na ilang ulit na nagpapabalik-balik na tila balisa  mula sa kinauupuan niyang mesa patungo sa viewing deck.

Napuna ito ng bar captain na si Christian Ginete kaya’t sinabihan niya ang binata na umupo muna at tatawagin niya ang security guard upang masamahan siya pababa subalit bago pa man ito mangyari ay nakita na ni Teresa Lazo, ang sanitation officer ang bigla nitong pagtalon.

Hindi naman matukoy ng pulisya kung ano ang talagang motibo sa ginawang pagpapatiwakal ng binata bagama’t malaki ang hinala na may mabigat na problemang pam-pamilya ang namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply