Aquino admin binatikos ni Corona sa tinapyas na badyet ng hudikatura

PALABAN na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona nang humarap ito sa national convention ng mga hukom sa bansa at tahasang binatikos ang administrasyong Aquino dahil sa paggigipit sa kanilang budget.

Sa kanyang talumpati sa national convention at election of officers ng Philippine Judges Association (PJA) sa Makati City, idiniin nito na hindi kailanman, maging noong panahon pa ng Martial Law, na naharap ang hudikatura sa kawalan ng pagrespeto at hindi nila ito tatanggapin bagkus lalaban ito.

Reaksiyon ito ni Corona, bunsod ng pagtapyas sa budget ng judiciary na P2 bilyon para sa 2012, malaking kawalan sa kanilang mga mahahalagang programa gayundin ang banta ng impeachment sa hanay ng mga mahistrado matapos ang kontrobersiyal na pagbawi sa desisyon sa kaso ng cabin crew ng Philippine Airlines.

Nilinaw ni Corona na hindi dapat iniinterpreta ng mali ang batas at dapat na sundin kung ano ang nakasaad dito.

Patukoy ito sa Section 3 ng Article 8 ng Konstitusyon na nagsaaad na: “The Judiciary shall enjoy fiscal autonomy. Appropriations for the Judiciary may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year and, after approval, shall be automatically and regularly released.”, ang nasabing batas ang ipinaglalaban din ng mga empleyeado ng korte sa isinasagawang Monday protest.

Hindi aniya dapat na tapyasin ang kanilang budget, maaari na parehas lamang ang ibigay ngunit hindi dapat na bawasan alinsunod sa probisyon ng nasabing batas.

Matatandaan na unang iniutos ng Department of Budget and Management na tanggalin ang P2 bilyon budget ng judiciary matapos lumitaw na ang nasabing pondo ay hindi naman kailangan dahil maraming bakanteng posisyon sa hudikatura na hindi pa napupunan subalit mayroong nakalaang budget.

Hinamon naman ng DBM ang judiciary na punan ang nasabing mga pwesto at kanilang ibabalik ang tatanggaling budget ngunit iginiit ni SC Spokesperson Atty. Midas Marquez na tuloy-tuloy naman ang ginagawang recruitment.

Sa bantang impeachment proceedings sinabi ni Corona na hindi nila ito hahayaan.

Pinaalala pa nito sa mga kriitko na ang judiaciary ay may co-equal branch of power kaya’t hindi rin ito mangingimi na sundin kung ano ang kanilang mandato at ipatupad ang kanilang awtoridad.

“As long as I’m the head of the judiciary, the 3rd and co-equal branch of government, I will perform the duty that the Almighty and Constitution has entrusted to me without fear and vacillation.” giit pa nito kasabay ng pagsasabi na nasanay na rin ito sa palagiang banta na impeachment laban sa mga mahistrado ng SC sa tuwing nagkakaroon ito ng mga adesisyon na hindi nagugustuhan ng ilan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply