Aquino admin obsess na makulong ang Arroyos

HALOS tumulo umano ana ‘laway’ ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na maipakulong ang pamilya Arroyo kahit na hindi pa napapatunayang may sala sa mga kontrobersiyang ibinabato sa mga ito.

Ito ang binigyang-diin ngayon ni Atty. Raul Lambino.

Ayon kay Lambino, ang paglutang ni dating Maguindanao Provincial Administrator Nori Unas, na nagsasangkot sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa umano’y naganap na dayaan sa halalan noong 2007 ay pawang mga imahinasyon.

Sinabi ni Lambino na gagawin ng Malakanyang ang lahat ng paraan upang gipitin ang pamilya Arroyo at maipakulong ang mga ito.

Itinanggi naman ng mga Arroyo ang akusasyon ni Unas na mismong ang dating Pangulong Arroyo ang nag-utos na manipulahin ang eleksyon pabor sa mga senador ng team unity noong 2007.

Ayon kay Lambino, hindi kilala at hindi matandaan ng dating Pangulo at maging ng mga senatorial candidate ng Team Unity si Unas.

Binigyang diin pa ni Lambino na walang dahilan ang dating Pangulo upang ipag-utos na dayain ang eleksyon pabor sa mga kandidato ng Team Unity.

Minaliit din nito ang naging paglutang ni Unas at ayon pa kay Lambino, kaduda-duda ang kredebilidad ni Unas at ang tunay na motibo ng paglutang nito.

Giit nito, nais lamang ni Unas na maisalba ang kanyang sarili sa mga posibleng ikaso laban sa kanya dahil sa pagiging sangkot nito sa dayaan noong 2007 elections kaya ang dating Pangulo ang itinuturo nito ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply