Aquino, ang gagong mapsa ni Mayor Binay

MAY kasabihan tayo na walang sumisira sa isang  bakal kundi ang sariling kalawang nito, ‘di po ba?

Nabanggit natin ang kasabihan na ‘yan para paalalahanan si Makati Mayor Junjun Binay sa mala-carnapper style na  pagto-tow ng mga ‘alagad’ nito sa Makati Public Safety (MAPSA).

Okey lang sana kung ang mga tino-tow ng mga ‘alagad’ ni Mayor Junjun Binay ay ang mga sasakyan na nakaka-obstruct sa kalsada.

Ang masakit ay nakaparada nang maayos ang mga sasakyan ngunit tino-tow pa rin ng kaputa-puta…han na taga-MAPSA na kilala sa alyas Aquino.

Ang feeling siguro ng gagong Aquino na ito ay kamag-anak niya si Pang. Aquino.

Kaya ganun na lamang kung umasta ang walanghiyang  ‘alagad’  ni Mayor Binay na  taga-MAPSA.

Alam ninyo, pag hindi sinibak ni Junjun Binay ang mala-carnapper style ng enforcer niyang si Aquino, siyento por siyento ay babantot ang pangalan ng mga Binay sa Makati gawa ng napakatarantadong Aquino na ito.

Ngayon pa lang, halos wala pang dalawang taon na nakauupo bilang alkalde ng Makati si Junjun ay lantaran na siyang tinatarantado ng kanyang mga alagad.

MALAKI BA ANG I.N.T. NINA GOB AT PD?

Bata’t matanda ang mga nagugumon na magsugal sa puwesto pijo na peryahan na front ng iligal ng mag-among Lourdes Tomboy at Leo sa Pulilan at Malhacan, Meycauyan,  Bulacan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos sina Gov. Willy Alvarado at PD Supt. Fernando Mendez.

Bakit kaya?

Hindi ko sinasabi na malaki ang tinatanggap na lingguhang I.N.T. nina Gob at PD sa mga mag-amo.

Anong mayroon at bakit  hindi mapatanggal ng dalawa ang peryahang front ng iligal na pasugalan?

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply