Archie Alemania may bagong tsiks

NAKATSIKAHAN namin si Toni Gonzaga sa kanyang get together party para sa success ng kanyang 10th anniversary concert last September 30 sa Smart Araneta. Nakita namin sa kanyang ipad ang picture na punom-puno talaga at may nakatayo pa sa kanyang Concert.

Tinanong si Toni kung  hindi ba niya inawat si Mariel Rodriguez sa pago-ober da bakod nito sa TV5?

“Wala naman akong sey sa personal na buhay at saka masyadong personal ‘yun. Ano lang ako..kumbaga sa isang kaibigan dapat ay sumusuporta ka lang at umiintindi. kasi ako rin naman, nu’ng time na lilipat ako, wala rin namang pumigil sa akin. Lahat sila ay nag-wish din sa akin ng maganda,” sey niya.

Itinanggi rin niya na siya ang dahilan ng paglipat ni Mariel sa TV5 dahil hindi pa rin sila magkasundo. Sincere daw ‘yung pagbabalik ng friendship nila.

“Ako kasi.. I have nothing against anybody. Kahit sino wala akong tinatanim na sama ng loob. Kasi pag nagtanim ka ng galit nagbubunga ‘yan, e! Nagiging puno. Mahirap magtanim kasi lumalaki at napupuno ng poot ang dibdib mo. Mas maganda ‘yung maluwag lang at saka Masaya,” sambit pa niya.

Anyway sa Oct. 9 ay mapapanood na ang Toni G@10 sa ABS-CBN Sunday’s Best.

-0o0-

Twice naming nakita sa Hongkong sina Archie Alemania at ang TV host na si Gee Canlas. Una ay sa night market sa Mongkok at pangalawa sa Disneyland.

Matagal na palang may relasyon ang dalawang ito. Si Gee pala ang naging ka-on ni Archie pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Mickey Ferriols.

Sa Disneyland ay nakita rin namin silang magkasama with PJ Valerio na 8 months na palang nagpe-perform sa ‘The Golden Mickeys’- Storybook Theater- Fantasy Land’. Marami siyang exposure rito at siya ang pinakabida sa ‘Mulan’. Nagamit ni PJ ang pagiging Theater Actor niya noon sa ‘High School Musical’ with Sam Concepcion kaya kampanteng-kampante na siya at na project sa pagkanta at pagsayaw sa ‘The Golden Mickeys’.

Bago siya umalis ng Pinas ay napabalitang hiwalay na sila ni Queenie Padilla. At  nakita ni friend Rommel Placente na may Chinese girlfriend ngayon si PJ.

Anyway, gusto naming palasalamatan ang avid reader ng Bulgar na si Tita Yolie Doria Ho at kay Kuya Sam Ho na nag-treat sa amin sa Disneyland.

Nagkakilala lang kami ni Tita Yolie sa Facebook dahil regular siyang nagbabasa ng Bulgar sa Hongkong at nag-wo-work sa Jardin Airport Services Limited. Siya rin ang dahilan kaya maganda ang puwesto ng upuan ng grupo namin sa PAL pag-uwi.

Gusto rin naming pasalamatan ang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala na nag-tour sa amin sa Macau. Mula Venetian, naikot namin ang Grand Emperor Hotel, ang St.Ruins, Museo de Macau, ang  borderline ng Macau at China hanggang sa  beach nila.

Dun namin nalaman ang isang blind item na isang singer na pinagdududahan ang gender na nagladlad sa Macau. Nagtapat siya na nung bata siya ay tinutukso na raw siyang bading sa choir kaya umalis siya.

May pasimple pang paraan ang male (?) singer na ito para makahalik sa lalaki. Matuk mo nagpapaturo ng kissing scene para sa eksena niya na kinunan noon sa Macau para sa isang TV show. Talbog!

Anyway, nag-enjoy talaga kami sa Hongkong-Macau trip namin with Lito Alejandria, isa sa mga owner ng Zirkoh at Klownz kasama ang kaibigang Rommel Placente at Boy Romero.

Tsuk!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply