Ari sinundot ng alambre ng bebot na buntis

SASAMPAHAN ng kasong intentional abortion ang 31-anyos na babae matapos mabuking ng mga doktor ng Ospital ng Maynila na sadyang ipinalaglag nito ang kanyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng pag-inom ng abortion pill at pagsundot ng alambre sa kanyang ari upang malaglag ang dinadala sa Sta. Cruz, Maynila kaninang umaga.

Inaresto si Mary Grace Laude, ng Telecom Compound sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila matapos na isuplong sa pulisya ng pamunuan ng nasabing ospital sa pagpapalaglag sa kanyang pinagbubuntis.

Ayon kay PO2 Jupitrer Tajonera, ng MPD-Homicide Section, nagawa pa umanong dalhin ng suspek ang fetus sa nasabing ospital matapos mataranta  nang lumabas sa kanyang puwerta.

Lumabas sa imbestogayson na may tatlo nang anak ang suspek sa dati nitong mister at ang ipinalaglag nito ay anak sa kanyang kasintahan subalit iniwan din siya kaya nagawa niyang magpa-abort.

Aminado naman ang suspek na uminom muna siya ng “methergin tablet” bago sinundot ng alambre ang kanyang ari hanggang sa lumabas ang fetus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply