ARMM humihingi ng tulong sa nat’l gov’t

HUMIHINGI ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao kaugnay sa pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel noong isang linggo.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng ARMM noong isang linggo pa sila humihingi ng tulong sa national government para sa mga biktima ng bagyo sa rehiyon partikular na ang bayan ng Maguindanao na nasa state of calamity pa rn ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang tulong sa rehiyon.

Samantala, dalawa na ang naitalang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo sa Maguindanao habang 17 barangay pa rin ang lubog sa baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply