Army spokesman sinibak

KINUMPIRMA ng mismong spokeman ng Philippine Army ang kanyang pagkakasibak na malamang umano ay dahil sa kanyang pahayag na dapat suspendihin ang ceasefire sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Col. Antonio Parlade, hindi umano siya nagsisi sa kanyang mga binitawang salita laban sa MILF bagkus ay natutuwa siya dahil nailabas niya ang saloobin ng kapwa niyang mga sundalo na nagbuwis ng 19 na buhay sa Basilan.

“I’m happy knowing our soldiers’ voice and sentiments were heard. We are not politicians. We are soldiers, professional soldiers. We are ready to take the bullet whatever the cost,” ayon kay Col. Parlade sa isang radio interview.

Si Parlade ay pansamantalang pinalitan ni Maj. Harold Cabunoc.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply