Arroyo camp pumalag sa pagkakasangkot sa destabilization plot

ISINASANGKOT ng isang dating heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakaraang administrasyong Arroyo na umano’y nag-uudyok sa mga sundalo ¬†dahil sa naging pagtrato ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa sitwasyon sa Basilan at Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Retired General Danilo Lim na nananawagan ang grupong ito ng mass resignation ng mga dismayadong sundalo.

Agad namang pinabulaanan ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang anumang pagkakasangkot sa umano’y destabilization plot.

Ayon kay Attorney Raul Lambino, legal spokesman ni Arroyo, iginigiit ng Aquino government na zero ang popularidad ni Ginang Arroyo ngayon kaya paano pa siya makapag-uutos.

Hirap lang aniya sa kasalukuyang administrasyon, basta may pinagdadaanang mabigat ay laging ang mga Arroyo ang pinagbibintangan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply