Subpoena vs GMA et al. kasado na

NAKATAKDANG i-subpoena ngayon ng joint panel ng Department of Justice at Commission on Elections (DOJ-Comelec) si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa umanoy pandaraya noong 2007 elections.

Kasama ring isu-subpoena ng panel si dating First Gentleman Mike Arroyo at 40 na iba pa.

“The panel will treat separately the electoral sabotage complaint it filed and the one filed by Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III against the former President and her co-respondents,” ayon sa isang report.

Si Gng. Arroyo ay inakusahang nagmanipula ng election results noong 2007 na pumabor sa senatorial candidates sa ilalim ng kanyang tiket. Ang alegasyon ay paulit-ulit na itinanggi ng kanyang kampo.

Ayon naman sa legal spokeperson ni Gng. Arroyo na si Raul Lambino, sinabi nito na handa nilang harapin upang sagutin ang mga complaints.

“Mr. Arroyo, for his part, accused Malacañang of destroying the independence of the Comelec and turning it into a puppet,” ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, counsel ng dating Unang Ginoo.

“The pronouncements of Presidential Spokesman Edwin Lacierda that the filing of charges against the Arroyos ‘is an order from President [Benigno] Aquino [III] and that government officials are supposed to carry it out,’ is something that goes beyond scary, because it turns the Comelec into a puppet of Malacanang and subject to its dictates,” ayon pa kay Topacio.

Sinabi rin nito na ang pagbuo ng DOJ-Comelec joint panel sa kabila ng Joint Order No. 001-2011 ay “legally impermissible” dahil ang DOJ ay parte ng executive branch habang ang Comelec ay isang constitutionally independent body.

“Whoever conceived of that joint order must have been smoking a joint,” pahayag ni Topacio. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply