Asawang nars, kalaguyong pulis huli ni mister

DESIDIDONG idemanda ng isang 35-anyos na mister ang kanyang asawang nurse at kalaguyo nitong pulis matapos na mahuli umano niya ang dalawa sa loob ng isang lodging house sa Davao City, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, dinakip ng San Pedro police station ang isang registered nurse at kalaguyong pulis sa sumbong ni Victor Arovo, residente ng Doña Salud, Sasa, Davao City.

Ipinagharap ng reklamo ang asawa nitong si Isabela Carma Arce, 33 at isang SPO1 Vergil Francia Baticanan, kasapi ng Davao del Sur PNP.

Sinasabing nahuli umano ni Arovo na magkasama ang dalawa sa loob ng Room 405, Sampaguita Inn, Mount Mayon, Lopez Jaena, lungsod ng Davao kaninang madaling araw.

Nabatid pa na nakatalaga si Arce sa bayan ng Kiblawan habang si SPO1 Baticanan, 32, ay may-asawa rin at nakatalaga sa Kiblawan PNP kung saan hinihinalang nagsimula ang patagong relasyon ng dalawa.

Mahaharap sa kasong adultery ang ginang at concubinage naman laban sa pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply