Ashtrays ikakalat ng MMDA sa mga lansangan

SISIMULAN nang maglagay ng mga tapunan ng upos ng sigarilyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan na hindi sakop sa probisyon ng batas sa ilalim ng Tobacco Regulations Act.

Ilalagay ang naturang mga tapunan na magsisilbing dambuhalang ashtray na gawa sa hinating malaking drum na nilagyan ng buhangin sa mga piling lugar, may 10 metro ang layo mula sa mga sakayan at babaan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan.

Kasabay nito’y umapela si Tolentino sa publiko na iwasang magtapon ng iba pang uri ng basura sa tapunan ng upos at huwag ding galawin o ilipat sa ibang lugar.

Aabot naman sa 29 dambuhalang ashtray ang ilalagay ng MMDA sa kahabaan ng EDSA partikular sa area ng Baclaran sa Pasay, Magallanes, Ayala, Buendia, Estrella, Guadalupe, Megamall, Santolan, Cubao, Kamuning, Quezon Avenue, Oliveros, Muñoz, at Monumento.

Labingtatlo naman ang ilalagay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular Philcoa, UP University Avenue, Diliman Prep, Ever Gotesco, IBP Road, St. Peter’s Church, Ayala Technohub, Central Avenue, at Don Antonio.

Nilinaw naman ng MMDA chief na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa waiting sheds kaya’t kinakailangan munang lumapit sa ilalagay nilang tapunan ang mga nagnanais na humitit ng sigarilyo.

Nagpasya si Tolentino na atasan ang kanilang Health, Public Safety, and Environmental Protection Office na maglagay ng tapunan ng upos ng sigarilyo sa naturang mga lugar upang mapanatili ang kalinisan sa mga lugar na pinapayagan ang paninigarilyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply