‘Asiong Salonga’ ng Scenema Concepts makapasok kaya sa MMFF 2011?

MALAPIT na ang deadline ng mga pelikulang kasali sa 2011 Metro Manila Film Festival ngayong darating na Disyembre araw ng Kapaskuhan. Ilang shooting days na lang ang “Panday 2” ng Imus Production at GMA Films, ganun din ang “Enteng Ng Ina Mo” ng ABS CBN Film Production Inc, M-ZET TV Production at APT Production.

Ang hindi ko lang alam ay kung patapos na rin ang mga pelikulang entry ng Regal Films na “Shake, Rattle and Roll 13” at “Hototay.”

Ang pelikula kaya nina Judy Ann at Ryan Agoncillo at Eugene Domingo na “My House Husband”na festival offering ng Octo Arts Films?

Ang alam ko in the can na rin ang “Segunda Mano” ng MJM Production at Star Cinema, pati na ang “Yesterday, Today and Tomorrow” ng Studio 5. Pero ang narinig naming balita ay hanggang sa ngayon daw ay hindi pa rin nagsisimulang mag-shoot ang pelikulang “Mr. Wong” ni Robin Padilla.

Ang tanong nga namin ay kung hindi makahahabol sa deadline ang pelikulang entry ni Robin na ayon sa aming source ay talagang hindi pa ito nagsu-shoot, papalitan ba ito ng ibang entry na nasa sideline lang at naghihintay ng ganitong eventuality para sila makapasok? Kumbaga, nasa waiting list ng festival committee.

Kung ganito ang mangyayari, tiyak makapapasok ang pelikulang “Kingpin,The True Story of Asiong Salonga” ng Scenema Concept na pinagbibidahan ni Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito Estregan. Heto rin naman talaga ang hinihintay ni Gov. ER at Direk Tikoy Aguiluz dahil nga sa maganda ang pelikulang ito na ang tanging komento ng screening committee ay masyadong madugo ang pelikula.

Hindi naman nakapagtataka dahil gangster movie ito na alam naman natin kung gaano ka-brutal ang gangwar noong 50’s.

Naiiba ang naturang pelikula dahil sa Black and White ang finished product nito para mas maging authentic ang dating dahil sa period movie nga ito. Well, sana maka- pasok ito sa festival para unang mapanood ito dito sa ating bansa bago maipalabas sa Berlin Film Festival next Festival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply