Aswang

MABANGIS, nakatatakot ang itsura at kumakain ng tao ang kadalasang paglalarawan sa aswang.

Sila ang mga nilalang sa dilim na sinasabing nagpapalit ng anyo mula hayop sa tao o kabaligtaran. Kilala rin sila sa tawag na “tik-tik,” “wak-wak” at “soc-soc.” Ang term na aswang ay kalimitang ipinakakahulugan sa babae na may pangit na itsura, may mapulang mata, mahaba ang pangil at nangangain ng mga buntis. Ngunit may mga lalaki ring aswang. Ayon nga sa mga kwento higit na mas mabangis ila kaysa sa mga babaeng aswang.

Ayon sa nagpasalin-saling istorya ang mga buntis ang kanilang pinupuntirya dahil sa sariwa pa ang batang dinadala sa kanilang sinapupunan, Nais nila ng sariwa upang manatili silang buhay at malakas.

Ang mga aswang ay mythical creature sa Philippine folklore. Sinasabing sila ay mula sa pamilya ng mga nilalang na mala-bampira. Ayon pa sa mga nagpasalin-saling istorya ng aswang, ang pinakamarami ay sa ating bansa.

Maraming beses ng nasulat sa libro, sa internet at maging sa kwento ng mga matatanda, ay kilala ang kuwento ng mga aswang sa rehiyon ng Western Visayan na kinabibilangan ng Iloilo, Antique at Capiz. Ang mga nabanggit ay sinasabing bayan ng mga aswang.

Maraming haka-haka at kuwento tungkol sa mga aswang. Maski noong panahon pa ng mga Kastila ng sakupin nila ang Pilipinas. Ayon sa kanila, ang mga aswang ang pinakanakakatakot na nilalang sa Philippine folklore.

Ayon na rin sa mga ilang kakilala na naninirahan sa may Visayan region ay totoong may aswang at sila ay may kaniya-kaniyang kwento tungkol sa karanasan nila sa nasabing nilalang.

Senyales na may aswang sa paligid

Una, maaari silang makita sa pamamagitan ng pagyuko at pagtingin sa pagitan ng mga hita.

Ikalawa ay sa sa paggamit ng espesyal na langis na kapag bumula o kumulo ay may aswang sa paligid.

Ikatlo naman ay ang “tik-tik,” kapag dinig na dinig ang tunog nito ay malayo aswang at kapag mahina naman ay ibig sabihin na ang aswang ay nasa malapit lang. Ang tik-tik kapag nasa bubong, ibig sabihin ang aswang ay nasa silong. Kabaligtaran naman na kapag nasa silong ang tik-tik ay nasa bubong ang aswang.

Kung nais na malaman na aswang ang taong nakakasalamuha mo ay kumuha ka ng kutsara at kung ang repleksyon niya sa nakaharap na kutsara ay hindi baligtad, ay aswang ang kaharap mo. Pansinin mo ang repleksyon mo sa harap ng kutsara, baligtad ka, ito ay dahil tao ka at dapat na baligtad ang repleksyon mo sa kutasara. Simple lang, dahil sa bowl-shaped at curve ito. Hindi direktang nagba-bounce ang imahe gaya sa flat sufrace tulad ng salamin at iba pang flat metals.

Pangontra

Bawang naman ang karaniwang sinasabing pangontra sa kanila. Hindi nila gusto ang matapang na amoy na bawang.

Mabisa rin ang agua bendita at buntot pagui na tanging nakakasakit sa kanila.

Takot din daw ang mga aswang sa bala ng baril at sa mga kalalakihan na matapang at malakas ang loob.

Ayon pa sa nagpasalin-saling kwento tungkol sa nilalang na ito, kapag naramdaman sila ng mga lalaki ay dapat na sila ay murahin agad upang maitaboy.

Aswang Festival

Ito ay taunang ginugunita ng mga mamamayan ng Roxas sa Capiz tuwing katapusan ng buwan ng Oktubre, kung kailan papasok ang Undas o All Saints at All Soul’s day (Nobyembre 1 at 2). Ang selebrasyon na ito ay sinimulan upang alisin ang connotation na ang Capiz ay pugad ng mga aswang.

Ang mga mamamayan ay nagbibihis ng mga magagarang costume ngunit mas patok kung sino ang pinakanakatatakot.

Noong 2004 unang ginunita ang Aswang Festival na umani ng maraming batikos, isa na rito ay nanggaling sa Simbahan, na nagsasabing huwag paniwalaang ang mythical creature.

Dinepensahan naman ito ng mga taga-Roxas, Capiz sa pagsasabing ito ang version ng Pilipinas para sa Holloween ng Estados Unidos. Ang pangunahing layunin ng nasabing festival ay ang i-promote ang lokal na lugar sa pamamagitan ng mga magagandang tanawin, beach, masasarap na pagkain at mababait na mamamayan.

Iba-iba ang bersiyon ng kwento ng mga aswang depende sa lugar o sa mga taong nagkuwento kaya walang nakakaalam kung ano talaga ang kanilang itsura.

May nagsasabin din na sila ay namumuhay rin kagaya nating mga tao tuwing umaga. Marami rin ang nagsasabing hindi sila basta-basta nananakit kagaya ng napapanood natin sa telebisyon at pelikula. Ngunit ayon naman sa mga filmmakers ay hinango lamang nila ang kanilang istorya sa pagsasaliksik at pag-i-interview sa mga tao mula sa lugar na nababalitang may aswang.

May ilan ding nagkukwento na sila ay maaaring nakasalamuha mo na. Dagdag pa, sila daw ay namumuhay kasama ng mga normal na tao. Sila ay nakakapankit lamang kapag sila ay nagawan ng masama ng mga tao. Halimabawa daw ay kapag nagalaw o nasira ng tao ang kanilang bahay o tirahan o kaya ay kapag sila ay nilait o sinaktan.

Totoo man o hindi ang kuwento ng mga aswang ay dapat nating igalang ang ating paligid at isiping may ibang nilalang na nabubuhay kasama natin sa mundong ipinagkaloob ng Diyos.

***

Kung may suhestiyon o nais na ibahaging kwento ay mag-email lamang sa remate.tonight@gmail.com

Maaaring sundan kami sa Twitter at i-like sa Facebook.

About Thor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>