Ayos na pamamalakad kaya umarangkada sa survey

DAHIL sa maayos na pamamalakad sa pagsulong ng mga polisiya, ekonomiya at programa ng pamahalaan, muling pinatunayan ng pinakabagong Pulse Asia at Social Weather Station  surveys ang malakas  na suporta ng publiko kay Pang. Noynoy Aquino.

Ibig sabihin nito na ramdam ng mga tao ang positibong resulta ng magandang polisiya  lalong-lalo na ang mga mahihirap dahil nakakukuha rin ng magandang suporta ang Conditional Cash Transfer at iba pang pro-poor programs ni PNoy dahil sa matuwid nitong pamamalakad sa bansa. Kaya naman po umarangkada nang todo ang ratings ni PNoy lalot matindi ang kampanya nito laban sa katiwalian, transparency at magandang pamumuno na kitang-kita namang sinusuportahan ng tao.

Sa resulta ng surveys ay pinatutunayan lang na patutungo sa progreso ang Pilipinas habang naghihirap naman ang ekonomiya ng buong mundo.

Pinatutunayan din ng surveys ang malakas na pananalig at pagtitiwala ng mga tao sa liderato ni PNoy.

Ang strike naman ng PALEA sa kasagsagan ng Bagyong Pedring ay hindi simpleng pananabotahe sa management ng PAL. Ito’y pagpapakita ng kalyo’t kamanhiran sa sentimyento ng karamihan. Sa panahong ang bawat Filipino ay dapat na nagkakapit-kamay upang itawid ang mga nasalanta ng bagyo sa maayos na kalagayan, may mga kababayan tayong tinahak ang landas ng mga makasarili’t gahaman. Hindi naibsan ng strike ang sinapit ng buong Luzon nang isinabay nila ito sa  pananalasa ng bagyong Pedring.

Maikukumpara pa nga ito sa asing pinahid sa sugat na lalong nagpaibayo ng kirot sa bansa habang ito’y binabagyo’t may sinat dala ng virus ng Eurozone financial collapse. Tamang kaparaanan sa maling pagkakataon.

Gumastos man sa isang biyaheng pinatipid, ito’y kakapiranggot sa maiuuwing gana para sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply