Ayuda sa ‘moderate poor’ iginiit

ISINUSULONG ni Ang Kasangga Representative Teodorico T. Haresco ang pinansyal na tulong ng gobyerno kahit sa mga tinaguriang “moderate poor” o may katamtamang mahihirap na pamilya.

Kabilang dito ang mga kumikita ng US$2 hanggang US$5 o hindi hihigit sa P300 kada araw.

Tinukoy ng kongresista ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante na kabilang din naman sa mga matinding sinalanta ng magkasunod na kalamidad na pumasok sa bansa.

Inirekomenda ni Haresco na gamitin ang Overseas Development Assistance (ODA) upang ayudahan ang hanay na ito.

“These are the constituents of Ang Kasangga, and access to financial assistance that with the help of ODA’s concessional terms, can be lent to them at say 10% interest for four years, would be of great help. The calamities just showed how quickly lives and livelihoods can disappear. It’s heartbreaking. Overnight, anticipated harvests and painstakingly developed business were wiped out. This financial assistance is vital in establishing hope in them,” punto ni Haresco. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply