Azkals dapat lapain ng todo ang Macau

KAILANGAN na madale ng Philippine football team Azkals ang Macau bukas (Oktubre 4) upang magkaroon ng pag-asa na makamit ang minimithing korona sa nagaganap na Long Teng Cup sa Kaohsiung National Stadium sa Kaohsiung, Taiwan.

May dalawang puntos ang Azkals matapos makatabla sa defending champion Hong Kong (3-3) sa opener at host team Chinese Taipei (0-0) kagabi (Oktubre 2).

Nakaipon naman ang HK at Taipei ng tig-apat na puntos.

Upang mahagip ang titulo ay dapat overwhelming ang panalo ng Azkals at manalangin na mauuwi sa tabla ang laban ng HK at Taipei.

Sa laban ng Azkals at Taipei ay umatake ng tatlong tadyak sa goal ang una subalit lahat ay sablay habang pitong atake sa goal naman ay iginanti ng huli.

Isang sipa ni Lo Chih-an ang pumasok subalit masuwerteng natawagan ng offside at nakatakas sa kahihiyan ang Azkals. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply