Azkals nilapa ang Macau

PANALO ang Philippine football team Azkals sa 2011 Long Teng Cup matapos talunin kanina ang Macau, 2-0.

Ang Ilongo na si Chieffy Caligdong ang nagbigay ng panalo ng Azkals sa kabila ng iniindang knee injury.

Sa ika-58 minuto ng laro ay nagawa ni Caligdong ang unang goal at muling naka-goal sa ika-87 minuto ng laban.

Ang dalawang goal ni Caligdong ay pawang mula sa assist ni Mark Hartmann.

Si Caligdong din ang nagbigay ng dalawa sa tatlong goals ng Azkals nang maitabla ang laban sa defending champion na Hong Kong.

Dahil sa apat na goals, si Caligdong ang inaasahang magiging leading scorer ng 2011 Long Teng Cup.

Sa first half ng laban sa Hong Kong ay hindi pinalaro si Caligdong dahil sa injury ngunit nang maging scoreless ang Azkals sa pagtatapos ng first half, nagdesisyon si coach Michael Weiss na ipasok si Caligdong at mistulang nabigyan ng enerhiya ang Azkals.

Una rito ay naging draw ang laban ng Azkals at Hong Kong, 3-3 at tabla rin ang laban ng Pilipinas at Chinese Taipei, 0-0.

Kapag hindi nagtabla ang laban ng Hong Kong at Chinese Taipei ngayong gabi, magtatapos sa second place ang Pilipinas.

Napag-alaman na noong nakaraang taon ay nagtapos ng third place ang Azkals sa Long Teng Cup.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply