Azkals tabla vs HK

NAKAKAWALA ang reigning champion Hong Kong sa pagkakasagpang sa kanila ng Philippine football team Azkals sa simula ng Long Teng Cup sa Kaohsiung National Stadium, sa Kaohsiung, Taiwan kahapon (Setyembre 30).

Umarangkada muna ang Hong Kong 2-0 mula sa puntos nina Lee Wai Lim sa ikalawang minuto at Cheng Lai Hin makaraan ang 20 minuto.

Eksaktong 31 minutong labanan ay umiskor si Phil Younghusband sa penalty kick at pagkatapos ay si Chieffy Caligdong naman ang pumuntos para itabla ang score sa 2-2.

Ginanahan ng husto ang tubong-Barotac Nuevo, Iloilo na si Caligdong ng tadyakan nito ang panglamang na puntos upang iabante ang Azkals sa 3-2 sa ika-63 minuto.

Subalit umiral ang tikas ng HK ng makasilip ng butas si Cheng sa depensa ng Azkals para ipasak ang rebound sa free kick ni Chang Siu Ki sa 86th minute at ipatas ang laro sa 3-all. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply