Azkals tumaas sa FIFA rankings

LUMUNDAG ng walong baitang pataas ang Philippine Football team Azkals sa pinakahuling standing ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) world cup matapos ang huling panalo nito laban sa Nepal sa isang friendly match.

Base sa website ng FIFA, dating nasa ika-166 puwesto ang Azkals na ngayon ay nasa ika-158 puwesto na.

Tumaas din ang puntos ng Azkals mula sa dating 105 ay 127 na ngayon.

Kahit na hindi makasisipa ang Azkals sa FIFA World Cup ay tuluy-tuloy pa rin ang ensayo ng koponan para sa iba’t ibang invitational games na lalahukan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply