Babaeng ‘mayosi’ maagang nagme-menopause

POSIBLENG mapadali o mapaaga ang pagme-menopause o pagkatuyo ng regla ng isang babaing naninigarilyo kumpara sa mga hindi naninigarilyo, ayon sa report ng

mga doktor sa Hong Kong.

Anila, delikado ang bagay na ito dahil madalas na nagkakasakit sa puso at rumurupok ang buto o kaya naman

ay nagkakaroon ng breast cancer ang mga babaing naninigarilyo.

Sa pag-aaral ni Volodymyr Dvornyk ng University of Hong Kong, sinabi niyang dapat malaman ng kababaihan ang epekto at posibleng health consequences ng paninigarilyo, bukod pa sa alam na nilang epekto nitong

pangkalahatan.

Batay sa kanilang pag-aaral, ang mga babaing smokers ay mas maagang mag-menopause ng isang taon kesa mga non-smokers.

Isinagawa ang pagsusuri sa 6,000 kababaihan sa US, Poland, Turkey at Iran.

Ang non-smokers ay nagme-menopause sa pagitan ng edad 46 hanggang 51, samantalang ang smokers naman ay sa pagitan ng 43 hanggang 50.

Sinabi rin ni Dvornyk sa 43,000 kababaihan, napatunayan nilang 43% ng smokers ang mas maagang matuyuan ng regla kesa mga non-smokers.

Gayunman, may mga matagal umanong mag-menopause at delikado rin sa kalusugan ng kababaihan dahil posible silang magkaroon ng breast cancer dahil mas matagal silang nae-expose sa estrogen.

Gayunman, mas delikado umano ang maagang menopause dahil sa post menopausal health problems, tulad ng osteoporosis, cardiovascular diseases, diabetes mellitus, obesity, Alzheimer’s disease, at iba pang sakit.

Sa pangkalahatan, ang maagang menopause ay nagiging sanhi ng maagang kamatayan.

Ayon naman kay Jennie Kline, isang epidemiologist sa Columbia University Mailman School of Public Health sa New York, may dalawang theory kung bakit nakaaapekto ang paninigarilyo sa maagang menopause.

Nakaaapekto umano ang paninigarilyo sa pagkakaroon o pagkawala ng estrogen sa katawan ng babae.

Pinapatay umano ng usok ng sigarilyo ang ovum o itlog ng babae.

Gayunman, walang impormasyon sina Dvornyk kung gaano katagal nang naninigarilyo ang kababaihang isinailalim

nila sa kanilang pagsusuri, o kung ilang sigarilyo ang kanilang nakukunsumo araw-araw.

Posible rin umanong may kinalaman ang pag-inom ng alcoholic drinks, katabaan o kapayatan, ay iba pang lifestyle factors.

Hindi rin sila sigurado kung magbubuntis pa ang babaing maagang nag-menopause sakaling 30 anyos pataas pa lamang ang kanilang edad.

Gayunman, mas mabuti pa rin umanong itigil ang paninigarilyo upang makaiwas sa maraming sakit.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply